Skip to main content

komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kultura ng Pilipino

          Huwarang, Di Malilimutan


Gurong kay bait at dakilang tao,

Ang aming pagmamahal, di mababayaran ng salapi o ginto.

Sa bawat araw na ika’y aming kasama sa silid-aralan,

Kami'y natutong mangarap, mag-isip, at magtanong nang malalim.


Ang iyong pagtuturo’t sakripisyo ay aming itatatak sa puso’t isipan.

Binahagi mo sa amin ang mga kuwento at aral na walang katapusan.

Sa bawat leksyon, kami'y iyong inilawit sa musika ng kaalaman,

Naging tanglaw ka sa landas na aming tinahak at pinili.

 

Ikaw ang aming gabay, tanglaw sa aming landas. 

Sa iyong pagti-tiyaga at pasensya’y walang hanggan.

Sa mali naming desisyon ika’y tinatama’t ika’y laging inuunawa.

Ikaw ay aming inspirasyon, aming huling tagapagturo.

Sa iyo kami’y nagpapasalamat, guro naming tunay na dakila.


Mga gabing puyat, mga takdang-aralin na di matapos-tapos,

Ikaw ang aming gabay, aming liwanag sa dilim at gabi.

Di malilimutan ang iyong mga ngiti at pagmamahal,

Kahit lumipas ang panahon, sa aming puso'y mananatiling buhay.


Guro naming minamahal, salamat sa iyong paggabay.

Ang mga aral at karanasan, aming dadalhin sa buong daigdig na napakaganda.

Kami'y handang lumipad, sumulong sa mga

matatayog na pangarap 

At ang iyong pangalan, aming dadalhin sa puso't isipan, 

Magpahanggang wakas.


NAGTALAGA:

LEADER: Pizarro, Dawn

CO LEADER: Rabara, Ruby Ann

MEMBERSMacapas, Alison Lee

                   Pimentel, Jherick

                    Tugade, Karry Gade

                    Rabanal, Krizza Lorraine

                    Flandez, Angel Dayne

IPINASA KAYGinoong Billy Ramirez




Comments