Huwarang, Di Malilimutan Gurong kay bait at dakilang tao, Ang aming pagmamahal, di mababayaran ng salapi o ginto. Sa bawat araw na ika’y aming kasama sa silid-aralan, Kami'y natutong mangarap, mag-isip, at magtanong nang malalim. Ang iyong pagtuturo’t sakripisyo ay aming itatatak sa puso’t isipan. Binahagi mo sa amin ang mga kuwento at aral na walang katapusan. Sa bawat leksyon, kami'y iyong inilawit sa musika ng kaalaman, Naging tanglaw ka sa landas na aming tinahak at pinili. Ikaw ang aming gabay, tanglaw sa aming landas. Sa iyong pagti-tiyaga at pasensya’y walang hanggan. Sa mali naming desisyon ika’y tinatama’t ika’y laging inuunawa. Ikaw ay aming inspirasyon, aming huling tagapagturo. Sa iyo kami’y nagpapasalamat, guro naming tunay na dakila. Mga gabing puyat, mga takdang-aralin na di matapos-tapos, Ikaw ang aming gabay, aming liwanag sa dilim at gabi. Di malilimutan ang iyong mga ngiti at pagmamahal, Kahit lumipas ang panahon, sa ami...